Home NATIONWIDE PNP umaasa sa ‘positive development’ para sa ikadarakip ni Alice Guo

PNP umaasa sa ‘positive development’ para sa ikadarakip ni Alice Guo

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police nitong Linggo na umaasa ito sa “positive development” na magiging daan upang mapabalik si dismissed mayor Alice Guo sa bansa upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sa panayam nitong Martes, inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na patuloy ang pagsisikap upang matunton ang dating alkalde ng Bamban, Tarlac at ilan pang persons of interest, kung saan nakikipag-ugnayan ang PNP sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI) at sa kanilang foreign counterparts. 

“Hopefully, katulad sa kaso nina Cassandra Li Ong, at Shiela Guo, magkaroon din ng positive development at maiuwi natin si Alice Guo, pabalik ng bansa,” wika ng opisyal.

Kapwa nasa kustodiya ng NBI matapos madakip sa Indonesia at mapauwi sa Pilipinas noong nakaraang linggo. Haharap sila sa Senate hearing sa Martes. RNT/SA