Home NATIONWIDE POGO naging corruption hub ng PH- Poe

POGO naging corruption hub ng PH- Poe

MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Senador Grace Poe ang total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil nagmistulang kuta ito ng korapsyon sa bansa.

Sa pahayag matapos ang executive session sa Senate probe kay Banbam Mayor Alice Guo, na naging pangunahing sakit ng ulo ng gobyerno ang POGO sanhi ng patong-patong na problema na nagresulta ng krimen, modern-day slavery, vices at illicit activities.

“Talagang sakit ng ulo itong mga POGOs,” ayon kay Poe.

“Merong mga legal POGOs, pero ang problema ay pinapaupahan nila ang kanilang mga permits para magamit ng ibang operators,” giit pa ng bagong chairperson ng Senate finance committee

Sinabi ni Poe, natuklasan sa isinasagawang Senate hearing sa nilusob na POGO complex sa Bamban, Tarlac kung paano niloko ng kompanya ang batas at regulasyon upang mamayagpag ang kanilang ilegal na gawain.

“Sa loob lamang ng higit isang taon, ang illegal activities ng mga POGO ay naging full-blown operations sa loob ng ‘self-contained’ compounds. Binaha tayo ng ebidensya sa kung gaano kabaluktot at kasalimuot ang tunay na mundo ng POGO,” ani Poe.

“Nais ko lang sabihin na ipinalalabas nito na may korapsiyon at nanganganak ng korapsiyon at na sasama pa ang mga tao sa gobyerno dito,” dagdag ng senador.

Dahil dito, muling iginiit ni Poe ang panawagan sa total ban sa POGO.

Ani Poe: “They could not be regulated because of the existence of their protectors in and out of government, according to the senator.”

“Please we have to ban POGOs, i-ban na natin ang POGO dahil hindi natin sila kayang bantayan… Naipapakita natin na ang ating gobyerno ay nahihirapan dahil nga may mga protector sila,” ayon sa senador.

“Kung may nagsabi na ban na ang POGOs, mas madali na natin matutunton ‘pag may operation; hindi kayo puwede diyan, ganun lang kasimple ‘yon,” ayon kay Poe. Ernie Reyes