Home NATIONWIDE Police intelligence officer dedo sa motorcycle crash

Police intelligence officer dedo sa motorcycle crash

MANILA, Philippines – Patay ang isang police intelligence officer sa aksidente sa motorsiklo sa Sitio Linao, Barangay Bato, Hinigaran, Negros Occidental nitong Linggo ng gabi, Hulyo 7.

Kinilala ang biktima na si Police Staff Sgt. Steven Donasco, 32, na nakatalaga sa Hinigaran Municipal Police Station.

Ayon kay Police Lt. Voltaire Sy, deputy chief ng Hinigaran Municipal Police Station, nasilaw si Donasco ng ilaw na mula sa kasalubong nito habang papalapit sa hindi patag na kalsada dahilan para mawalan ito ng kontrol sa motorsiklo.

Ani Sy, nakasuot ng helmet ang biktima ngunit naalis ito sa kanyang ulo.

Namatay si Donasco habang nasa ospital, dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng ulo nito sa semento.

Hindi rin masyadong maliwanag sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.

“He died in the line of duty,” ani Sy, kung saan kagagaling lamang sa operasyon ang biktima. RNT/JGC