Home NATIONWIDE Political neutrality pairalin sa impeachment – Diokno

Political neutrality pairalin sa impeachment – Diokno

1
0

MANILA, Philippines – Dapat umanong pairalin ng mga senator-judges ang “political neutrality” sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni House prosecution panel member at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, kasabay ng pagpapaalala sa mahalagang tungkulin ng 24 na miyembro ng Senado bilang impeachment court.

“nakalagay sa impeachment rules ng Senado na lahat ng mahistrado, mga senator-judge, kailangan mag-observe ng una, political neutrality, Ibig sabihin ay walang kulay na politika na dapat na papasok sa kanilang pagdinig at sa kanilang pagpapasya,” ani Diokno.

Ginawa ni Diokno ang pahayag bilang tugon sa mga alegasyong mayroon nang ilang senator-judges na nakapagpasya kung paano sila boboto sa kaso bago pa man maiprisinta at masuri ang mga ebidensya sa paglilitis.

Nakatakdang simulan ng Senate impeachment court ang pagdinig sa kaso sa Hulyo 6 matapos makumpleto ang mga pre-trial proceedings.

Binigyang-diin din ni Diokno na ayon sa mga patakaran, kinakailangang manatiling “impartial and objective” ang mga senator-judges sa pagsusuri ng mga ebidensya at testimonya na ihaharap sa paglilitis.

“Ibig sabihin patas dapat ang kanilang mindset,” aniya.

Ayon pa sa House prosecutor, mahalaga ang mga safeguard na ito upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa impeachment process.

Kinakailangan ang boto ng hindi bababa sa 16 sa 24 na senator-judges pabor sa alinman sa articles of impeachment upang mahatulang guilty si Duterte. Kapag nahatulan, matatanggal siya sa puwesto bilang Bise Presidente at tuluyang madidiskuwalipika sa paghawak ng anumang pampublikong posisyon.

Sa nalalapit na pagsisimula ng paglilitis sa susunod na buwan, sinabi ni Diokno na panahon na para harapin ni Duterte at sagutin ang mga paratang na nakasaad sa articles of impeachment.

Aniya,matagal nang hinihintay ng publiko ang paliwanag ng Bise Presidente kaugnay ng mga akusasyon laban sa kanya. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here