Home METRO Pondo para sa indigent patients pinalilinaw sa DOH – Tulfo

Pondo para sa indigent patients pinalilinaw sa DOH – Tulfo

257
0

MANILA, Philippines – Humingi ng linaw si Senador Erwin Tulfo nitong Linggo sa Department of Health (DOH) sa pondo para sa mga mahihirap na pasyente, kasunod ng mga ulat na ang ilan sa kanilang mga warrant letter ay tinanggihan maging sa mga ospital ng gobyerno.

“This is unacceptable. For someone who is sick, every second counts. Asking them to wait is not an option,” pahayag ni Tulfo.

“If you no longer have funds for indigent patients, say so. Don’t give them false hope. These people didn’t choose to get sick—let’s not make their burden heavier,” ani Tulfo.

Ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIP) ay nagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga gastusing medikal sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Nag-alala rin si Tulfo na maaaring naubos ng Health Dept. ang pondo nito sa ilalim ng programa.

“If there are no funds left, how did that happen? Congress approved sufficient funding for MAIFIP,” saad ni Tulfo.

Binanggit niya na ang ilang pribadong ospital sa Region IV-A, partikular sa Batangas, ay isinasaalang-alang ang pagsuspinde sa pagtanggap ng mga warrant letter hanggang sa mabayaran ang P530 milyon sa umano’y hindi pa nababayarang mga claim. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here