Home TOP STORIES Pope Leo ‘di interesadong makipagdebate kay Trump

Pope Leo ‘di interesadong makipagdebate kay Trump

98
0

VATICAN – Sinabi ni Pope Leo XIV noong Sabado na “not in my interest at all” na makipagdebate kay U.S. President Donald Trump tungkol sa giyera sa Iran, ngunit iginiit niyang magpapatuloy siya sa pangangaral ng Gospel message ng kapayapaan.

Ayon sa Papa, habang nasa eroplano mula Cameroon papuntang Angola, sinagot niya ang patuloy na bangayan ng pahayag sa pagitan nila ni Trump, na umabot sa mga headline ng balita nitong linggo.

Nilinaw niya na ang kanyang mga pahayag ay hindi personal laban kay Trump kundi bahagi ng mas malawak na mensahe ng Ebanghelyo tungkol sa kapayapaan.

“There’s been a certain narrative that has not been accurate in all of its aspects, but because of the political situation created when, on the first day of the trip, the president of the United States made some comments about myself,” aniya.

“Much of what has been written since then has been more commentary on commentary, trying to interpret what has been said,” dagdag niya.

Matatandaang nag-umpisa ang kontrobersiya nang punahin ni Trump sa Truth Social noong Abril 12 ang mensahe ng Papa tungkol sa kapayapaan, habang nagpapatuloy ang digmaan na nagsimula sa pinagsamang US-Israeli strikes noong Pebrero 28 at sinundan ng ganting-atake ng Iran. Inakusahan din ni Trump ang Papa ng pagiging “soft on crime” at umano’y malapit sa kaliwa, at sinabing utang sa kanya ang pagkakahalal nito bilang unang Amerikanong Papa.

Giit naman ng Vatican, ang panawagan ni Leo sa kapayapaan ay para sa lahat ng digmaan sa mundo, hindi lamang sa Iran conflict. Kinondena rin niya ang paggamit ng relihiyon para bigyang-katwiran ang digmaan at tinawag na “truly unacceptable” ang banta ni Trump na wasakin ang kabihasnang Iranian.

Sa hiwalay na talumpati sa peace meeting sa Bamenda, Cameroon, sinabi rin ni Leo na ang kanyang mensahe laban sa “handful of tyrants” na nagpapalala ng digmaan at pagsasamantala ay isinulat dalawang linggo bago pa man ang kritisismo ni Trump.

“And yet as it happens, it was looked at as if I was trying to debate again the president, which is not in my interest at all,” aniya.

Dagdag pa niya, magpapatuloy siyang mangaral bilang pastol ng Simbahang Katolika, lalo na sa kanyang pagbisita sa Africa upang magpalakas at samahan ang mga mananampalataya.

“I primarily come to Africa as a pastor, as the head of the Catholic Church to be with, to celebrate with, to encourage and accompany all the Catholics throughout Africa,” sabi niya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakapatiran, katarungan, at kapayapaan sa mundo sa kanyang mga susunod na mensahe at aral. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here