Home NATIONWIDE Pope Leo nanawagan, wakasan na karahasan sa Yemen

Pope Leo nanawagan, wakasan na karahasan sa Yemen

1
0

VATICAN – ‎Nanawagan si Pope Leo na wakasan ang karahasan sa Yemen nitong Linggo, Oktubre 25, habang nakikiusap siya sa mga mananampalataya mula St. Peter’s Square.
‎
‎Partikular na nababahala ang Santo Papa sa humanitarian situation sa timog-kanlurang Yemeni city ng Taiz, “kung saan nagdurusa ang populasyon dahil sa kakulangan ng pagkain, tubig at tulong medikal.”
‎
‎Mula sa bintana ng St. Peter’s Square, siya at ngumiti sa mga tao matapos makarating sa bintana nang walang tulong — ang parehong lugar kung saan niya inanunsyo noong Oktubre 11 na sasailalim siya sa operasyon para alisin ang maliit na bukol sa kanyang baga, sa unang health scare ng kanyang papacy.
‎
‎Sinabi rin ng Santo Papa na ipinagdarasal niya ang mga nasawi at nasugatan sa “terrorist attack laban sa mga Orthodox faithful” sa Hamoud church sa Jordan noong Biyernes.
‎
‎Nanawagan si Pope Leo sa lahat na samahan ng panalangin ang pulong ng mga lider ng relihiyon para isulong ang kapayapaan na gaganapin sa Italian city ng Assisi sa Martes.
‎
‎Inaasahan sanang kabilang sa dadalo ang Santo Papa sa nasabing pagtitipon, ngunit kinansela ang kanyang pagbisita ayon sa payo ng mga doktor para makatulong sa kanyang paggaling, ayon sa Vatican nitong Biyernes.
‎
‎Tinanggal ang lower lobe ng kanang baga ng Santo Papa sa operasyon noong Oktubre 13 matapos ma-diagnose na may adenocarcinoma, ang pinakakaraniwang uri ng lung cancer.
‎
‎Noong nakaraang linggo, sinabi ng mga doktor na hindi na niya kakailanganin ng karagdagang therapy, na nagpapahiwatig na hindi kumalat ang kanyang tumor. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here