Home NATIONWIDE Pork producers sa DA Order No. 33: Kulang ang 60-day import ban,...

Pork producers sa DA Order No. 33: Kulang ang 60-day import ban, ibalik dating taripa

5
0

MANILA, Philippines – Welcome pero kulang.

Ito ang reaksyon ng mga pork producer sa Department of Agriculture (DA) Department Order No. 33 na nagpapatupad ng 60-day quantitative restriction sa importasyon ng pork cuts at pork offals.

Sa joint statement nitong Nobyembre 9, sinabi ng AGAP, PROPORK, at Philippine Pork Council na mahalagang emergency measure ang restriction, pero kailangan ng mas mabilis at mas matapang na aksyon para mailigtas ang lokal na industriya.

Ayon sa pagsusuri ng DA, maaaring mawalan ng hanggang P100 bilyon ngayong taon ang local pork industry dahil sa pagbagsak ng farm gate prices dulot ng pagbaha ng murang imported pork.

Araw-araw namang nalulugi ng tinatayang P250 milyon ang mga hog raiser mula nang bumagsak ang presyo sa ibaba ng production cost.

Panawagan ng samahan ng magbababoy sa DA, ipatupad agad ang restriction at imbestigahan ang mga nagmadaling mag-apply ng SPSIC mula Oktubre 21 hanggang sa effectivity ng order, palawigin ang restriction hanggang Q1 2027, dahil may sapat na pork supply na tatagal ng 92 hanggang 143 araw at magbigay ng direct support tulad ng subsidy sa transport at feed costs, at i-publish buwan-buwan ang transaction values ng pork importations.

Nanawagan din ang grupo sa DepDev/Tariff Commission na ibalik agad ang dating taripa na 30% at 40%, mula sa kasalukuyang 15% at 25%, at aprubahan agad ang reclassification ng pork jowls mula offals tungo sa “good meat” para tumaas ang taripa nito mula 10% patungong 40%

Sa Bureau of Customs, nanawagan din ang grupo na higpitan ang inspeksyon laban sa smuggling, misdeclaration, at misclassification.

Bukod dito, kailangang i-update ang reference values para labanan ang undervaluation at
i-publish buwan-buwan ang transaction values ayon sa country of origin.

“Kailangan ang agarang pagbabalik ng orihinal na tariff rates para bigyan ng fighting chance ang local producers,” ayon sa grupo.

Nilagdaan ang pahayag nina Eric Harina ng PROPORK, Hon. Nicanor M. Briones ng AGAP, at Fritz Chua ng Philippine Pork Council. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here