MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na wala pang kumpirmasyon sa ulat sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan sa susunod na buwan.
“Nothing is confirmed. We are still considering the invite,” ang tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang uriratin ng mga mamamahayag ukol sa Nikkei Asia report na plano ng Tokyo na mag-host para sa high-level visit ni Pangulong Marcos.
Sinasabi kasi sa report na ang panukalang byahe ng Pangulo ay maaaring may kasamang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi upang muling pagtibayin ang pagtutulungan hinggil sa “free and open Indo-Pacific”.
Sa mga nakalipas na taon, mas pinalalim pa ng Pilipinas at Japan ang knilang ugnayan partikular na sa usapin ng depensa at seguridad. KRIS JOSE