Home HOME BANNER STORY Posibleng whistleblower sa flood control ‘ghost projects’ ibinunyag

Posibleng whistleblower sa flood control ‘ghost projects’ ibinunyag

251
0

MANILA, Philippines – Isang abogado na kumakatawan sa posibleng ‘whistleblower’ sa flood control ghost project ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lumapit sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Remulla, kabilang ang whistleblower sa nangungunang 15 kontratista na may pinakamaraming flood control projects.

Sinabi ni Remulla na binigyan siya ng ideya kung ano ang nangyari sa mga proyekto sa Central Luzon sa ghost projects na nagkakahalaga ng P5 bilyon.

Aniya, may modus na kickbacks o ng ‘hatian’ sa mga pondo ng nasabing proyekto.

Sinabi pa ni Remulla na nagulat siya sa katapangan ng abugado, na handang ilahad ang lahat ng kanyang nalalaman at ang mga sangkot sa anomalya.

Kasalukuyang masusing iniimbestigahan ng DOJ ang mga impormasyong ibinigay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here