Home NATIONWIDE Poster-making contest sa elementary studes binuksan ng SC; P125K premyo

Poster-making contest sa elementary studes binuksan ng SC; P125K premyo

230
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema nitong Biyernes, Enero 9, ang paglulunsad ng nationwide poster-making contest para sa mga elementary school student sa selebrasyon ng ika-125 anibersaryo nito.

Ayon sa SC, ang papremyo rito ay aabot sa hanggang P125,000.

Bukas ang contest sa lahat ng kasalukuyang enrolled na estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6 at ang bawat paaralan ay maaaring magpasa ng isang entry.

Sinabi ng SC na 20 finalist ang iimbitahan sa SC para i-presenta ang kanilang mga gawa sa panel of judges.

Narito ang sumusunod na mga papremyong igagawad sa mananalo:

First prize – P125,000
Second prize – P75,000
Third prize – P40,000
Special prizes (12 people) – P10,000

“All winners will be formally recognized during an Awarding Ceremony at the SC,” ayon pa sa SC.

Dapat gumawa ang mga estudyante ng poster na may temang “Imagine a Just World,” na may sukat na 10 inches by 15 inches, portrait o landscape.

Maaaring gawin ang poster sa pamamagitan ng tradisyunal na materyales gaya ng krayola, colored pencils, oil pastels, o watercolor, sa pamamagitan ng digital tools at applications, o kombinasyon ng dalawa.

Maaari ring maghanda ng pamagat at description ang participant na hindi hihigit sa 100 salita kung paano sumasalamin ang poster sa tema.

“Each entry must be an original work created specifically for this contest.”

Ipapasa ang mga poster sa pamamagitan ng online platform.

Ang submission period ay mula ikatlong linggo ng Enero hanggang Pebrero 28.

Hindi naman ikokonsidera ang mga late entry.

Samantala, sinabi rin ng SC na ang mga napiling entry ay itatampok sa exhibit sa SC at isasama sa isang coloring book. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here