Manila, Philippines – “Chill…I’m very much alive and full of inspiration!”
Ito ang mga reassuring na kataga ni Gary Valenciano nang mabalitaang pinakaba niya ang kanyang mga tagahanga sa kanyang black and white publicity material.
Nag-viral kasi ang larawan niya na ginamit sa kanyang poster sa August concert niya.
Ito’y nakatakdang ganapin sa California.
Nakasanayan na kasi ng karamihan sa atin na inuugnay ang black and white photo ng isang tanyag na tao sa kanyang pamamaalam.
Kung hindi mo nga raw babasahin nang mabuti ang nakasaad sa pubmat ni Gary V ay iisipin mong may nangyaring masama sa Mr. Pure Energy.
Mababasa naman sa comment section ang “pagkainis” ng mga netizens kung bakit sa dinami-dami ng litratong puwedeng gamitin sa poster ay black and white pa ang pinili.
Ayon nga sa isang netizen: “Buti binasa ko! Muntik ko nang i-share na ‘RIP, Gary V!'”‘
Kaagad namang pinakalma ni Gary V ang kanyang mga nabahalang tagahanga.
To borrow the title of his August concert, “inspired” lang daw siya.
Sa totoong buhay, llang pagsubok na kaugnay ng kanyang kalusugan ang nalampasan ni Gary V. Ronnie Carrasco IIi