Home METRO Presyo ng isda, gulay nananatiling stable sa paglapit ng Holy Week

Presyo ng isda, gulay nananatiling stable sa paglapit ng Holy Week

189
0

MANILA, Philippines – Nanatiling mostly stable ang presyo ng isda at gulay sa Pasig City Mega Market habang papalapit ang Holy Week, ayon sa mga vendor.

Gayunman, inaasahan ng mga tindero at mamimili ang posibleng pagtaas ng presyo sa mga susunod na araw dahil sa inaasahang pagdami ng demand.

Giit ng ilang nagtitinda, iniiwasan nilang magtaas ng presyo hangga’t maaari dahil mahirap magbenta kapag mahal ang produkto. Dagdag pa nila, ang anumang pagtaas ay karaniwang epekto rin ng mas mahal na gasolina at paggalaw ng supply.

Presyo ng ilang isda (as of March 28, 2026):

  • Boneless bangus: ₱100–₱180/kilo

  • Bangus: ₱120–₱140/kilo

  • Galunggong: ₱90–₱120 (½ kilo)

  • Tilapia: ₱60–₱65 (½ kilo)

  • Hipon: ₱90–₱160 (¼ kilo)

  • Tuna: ₱450–₱500/kilo

  • Pusit: ₱120–₱130 (¼ kilo)

Presyo ng gulay:

  • Carrots: ₱110/kilo

  • Talong: ₱80/kilo

  • Repolyo: ₱80/kilo

  • Sibuyas at bawang: ₱100/kilo

  • Luya: ₱150/kilo

  • Kangkong at malunggay: ₱10/bundle

Ayon sa mga vendor, posibleng mas maging kapansin-pansin ang paggalaw ng presyo sa kalagitnaan ng linggo habang tumataas ang demand sa pagkain para sa tradisyonal na pag-iwas sa karne tuwing Holy Week. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here