MANILA, Philippines- Tumaas ang presyo kada kilo ng kamatis sa Metro Manila ng hanggang ₱81 kumpara sa presyo nito noong nakaraang linggo, ayon sa pinakabagong monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Base ang ₱210 kada kilong presyo ng kamatis sa paggalaw ng presyo sa 12 wet markets sa Metro Manila: Commonwealth, Guadalupe, Las Piñas, Malabon, Marikina, Mega Q-Mart, Muntinlupa, Muñoz, Pasay, Pasig, Pritil, Quinta, at San Andres.
Umakyat ang presyo ng kamatis mula noong Abril, noong ito ay ₱60 – pinakamababang naiulat na presyo nito ngayong 2023.
Sa nabanggit na buwan, hindi maibenta lahat ng kamatis sa pamilihan at sa halip ay itinatapon na lamang dahil sa oversupply.
Subalit, umakyat ang presyo nito sa ₱120 kada kilo noong July – mas mataas ng ₱45 kumpara noong June.
Iniuugnay ang pagtaas sa agricultural damage dulot ni Bagyong Egay, na tumama sa ilang bahagi ng bansa, partikular sa northern Luzon, noong Hulyo.
Sa piankabagong bulletin, sinabi ng DA na nagtamo kay Super Typhoon Goring ng ₱375 milyong halaga ng agriculture damage.
Lumabas si Goring ng Philippine Area of Responsibility nitong Huwebes. RNT/SA