Home NATIONWIDE Priority projects sa ‘multiplier effect’ sa ekonomiya pinamamadali ni PBBM

Priority projects sa ‘multiplier effect’ sa ekonomiya pinamamadali ni PBBM

60
0

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na bilisan ang implementasyon ng mga priority projects na mayroong “multiplier effect” sa ekonomiya ng Pilipinas.

Nakapulong ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga executives ng pinakamahalagang ahensiya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes para i- assess ang progreso ng ‘big-ticket programs’ ng administrasyon.

Ang miting ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa Departments of Budget and Management, Public Works and Highways, Transportation, Agriculture, at Education.

Binigyang diin ni Recto ang pangaingailangan na tugunan ang budget utiliztion issues para pakiputin ang puwang sa pagitan ng disbursements at pagpapalabas para sa mga pinakamahalagang government projects.

Ipinaalala naman ni Recto sa mga state departments ang direktiba ni Pangulong Marcos nan iprayoridad ang mga proyekto at programa na makalilikha ng hanapbuhay, pagaanin ang inflation, at i-promote ang food security.

“The President’s order is to fast-track priority programs to push economic growth against global headwinds,” aniya pa rin sabay sabing “There are spots of underspending and these must be resolved immediately.”

“Government allocation releases have reached PHP1.287 in the second quarter of 2026,” ayon sa data mula sa Office of the Executive Secretary.

Binigyang diin naman ng department officials ang pangangailangan na i-maximize ang bagong procurement rules para pabilisin ang project acquisition at bawasan ang delivery delays.

Ani Recto, dapat gamitin ang pondo ng gobyerno upang masiguro na mararamdaman ang mga benepisyo ng priority projects sa lalong mdaling panahon.

“There is a way that we can speed up the process without taking legal shortcuts. Red tape that causes paralysis without sacrificing transparency can be done away with,” ani Recto.

Aniya, ang episyente at maingat na government spending, may epekto sa ekonomiya, mahalaga para panatilihin ang ‘growth momentum’ ng bansa.

Sa gitna ng global volatility at geopolitical tensions, ipinatutupad ng gobyerno ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport (UPLIFT) na hakbang para tugunan ang economic disruptions.

Samantala, pino-protektahan ng UPLIFT agenda ang sambahayan, sinusuportahan ang vulnerable sectors, at tiyakin na sapat ang energy supply at abot-kaya ang mga pagkain para sa lahat ng mga Filipino. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here