Home METRO Programa sa agri at power energy magpapabagal ng inflation – economist

Programa sa agri at power energy magpapabagal ng inflation – economist

306
0

MANILA, Philippines – Ayon sa mga ekonomista mas malaki ang posiblidad na bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa kung mas ipa-prioridad ng pamahalaan ang mga support program sa Agrikultura at Power Energy upang mabigyang suporta ang naturang industriya.

Ayon kay Prof. Astro del Castillo malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa kung masusuportahan ang industriya ng agrikultura  at power energy.

Sa ginanap na QC Journalists Forum kanina (Martes) sinabi ni del Castillo ng Capital Market Institute of the Philippines na may ulat ang Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 1.4 percent ang inflation nitong June 2025, mas mataas sa 1.3 percent inflation noong May 2025.

Anya napapanahon na rin ipatupad ng husto ang Land Use Act para maprotektahan ang Agri – forestry ng bansa.

“Kailangan suportahan ng husto ng gobyerno ang programa sa Agri at Power Energy para bumagal agn inflation at umunlad ang industriya ng Agrikultura at Power Energy” ayon pa kay del Castillo.

Kaugnay nito binigyang diin nito na dapat mag double time ang mga mambabatas sa Kongreso na maisentro ang mga batas sa Agrikultura at enerhiya para matiyak na mapabagal ang inflation.

Samantala sinabi naman ni Mr.Jayson Caiglet ng grupong Sinag na dapat bigyan atensya ng pamahalaan ang pagtatanim sa bansa upang matiyak na may sapat na suplay ng mga pagkain at tuloy mapababa ang inflation.

Sinabi pa ni Caiglet na dapat tiyakin ang pagtatanim upang matiyak ang suplay ng pagkain.  (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here