Home NATIONWIDE Programang AICS ng DSWD, palalawigin!

Programang AICS ng DSWD, palalawigin!

279
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mas maraming social worker at support personnel sa bagong processing center para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), na nagpapatibay sa mga pagsisikap na magbigay ng mas mabilis at mas mahusay na serbisyo sa libu-libong Pilipinong nasa krisis at naghahanap ng tulong araw-araw.

Sinabi ni Asst. Secretary Juan Carlo Marquez, ang co spokesperson ng DSWD, na tinitiyak ng karagdagang tauhan na matutulungan ng maayos ang mga kliyente sa bagong processing center na kayang tumanggap ng hanggang 1,000 indibidwal sa isang takdang panahon.

“Nagdagdag tayo ng mga social worker na nagsasagawa ng interview at assessment. Ang kapasidad ng ating bagong processing office ay kayang mag-accommodate ng 1,000 katao sa isang takdang oras. Ibig sabihin mas madami tayong matutulungan sa loob ng isang araw sa mas convenient sa lugar,” sabi ni Asst.Secretary Marquez noong Martes (September 2).

Kaugnay nito patuloy din ang pagpapatupad ng DSWD ng mga hakbang na matagal nang ginagawa upang mabawasan ang oras ng paghihintay, kabilang ang pag-streamline ng mga pamamaraan, ayon kay Asst. Secretary Marquez.

“Kung dati ay mayroon tayong limang steps, dahil sa ating ginawang streamlining of processes, tatlo na lang po ang steps natin,” sabi pa ng DSWD co-spokesperson.

Kasama sa tatlong hakbang ang pagkuha ng numero ng pila, pakikipanayam at pagtatasa ng mga social worker, at pagpapalabas ng tulong.

Matatandaang inilipat ng DSWD noong Hulyo 31 ang AICS processing center mula sa Central Office ng ahensya sa Batasan patungo sa Commonwealth Satellite Office sa Paragon Place, Quezon City para makapagbigay ng mas komportable at accessible na venue para sa mga benepisyaryo.

“Ngayon, dahil sa ating paglipat at pagtugon sa direktiba ng ating, Secretary Rex Gatchalian, mas maluwag, mas maliwalas, convenient at mas malamig na po ang ating bagong opisina. Mas pinalapit na rin ito sa mga pampublikong transportasyon tulad ng tricycle at jeepney terminal at soon to open na MRT station,” ipinunto ni Asst. Secretary Marquez. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here