MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Statistical Services Office nitong Martes sa publiko laban sa fake news na kumakalat online ukol sa ayuda o cash assistance na ibinibigay ng ahensya sa senior citizens na may National ID.
Nilinaw ng PSA na hindi ito nagbibigay ng ayuda o cash assistance sa senior citizens.
“The PSA emphasizes that any ayuda or cash assistance for the Senior Citizens are not granted by PSA. Thus, the registration on National ID may be a requirement of the concerned agency for their beneficiaries’ specially senior citizens,” pahayag ng PSA.
“In various transactions, the National ID is accepted as valid proof of identity. It is also used in applying for government benefits, such benefits are granted based on the rules and regulations of the concerned agency,” patuloy nito.
Hinimok din ng PSA ang publiko na bisitahin ang website o Facebook page nito o ang PhilSys site para sa lehitimong impormasyon.RNT/SA