Home NATIONWIDE Publiko binalaan sa mga indibidwal, grupo na magpapanggap na BSP reps

Publiko binalaan sa mga indibidwal, grupo na magpapanggap na BSP reps

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko nitong Huwebes, Hulyo 4, laban sa mga indibidwal o grupo na nagpapanggap na mga tauhan ng ahensya para makapanloko at makapagsagawa ng iba pang fraudulent activities.

Sa abiso, sinabi ng BSP na mayroong mga indibidwal o grupo na gumagamit ng pangalan at pirma ng BSP officers, o pangalan at logo sa mga liham, email, mensahe, website at maging sa social media accounts.

Ginagamit ito para makakuha ng mga impormasyon na bahagi para maisagawa ang pang-iscam o fraudulent activities.

“Bilang proteksyon sa sarili, iwasang magbigay ng personal at financial account information at huwag ding basta magpadala ng pera sa mga kahina-hinalang indibidwal o entity,” ayon sa BSP.

“Pinapayuhan ang publiko na suriing mabuti ang mga mensaheng natatanggap o transaksyong inaalok mula sa mga nagpapakilalang kinatawan ng BSP, at agad i-report ang mga kahina-hinalang mensahe,” dagdag pa nito. RNT/JGC