Home METRO Publiko pinagiingat sa tigdas, food at water borne diseases ngayong tag init...

Publiko pinagiingat sa tigdas, food at water borne diseases ngayong tag init – QC LGU

113
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Quezon City Health Department ang publiko laluna ang mga QCitizens na mag-ingat sa sakit na tigdas at iba pang sakit sa balat ngayong tag init gayundin sa mga kinakain at iniinom na tubig.

Sinabi ni Dra Patricia Bonifacio ng QC health Department, kapag tag init ang sakit na tigdas ay mabilis kumalat dahil sa mabilis itong makahawa laluna sa magkakasama sa isang bahay.

Ayon sa QC health official hindi ito gaanung napapansin ng marami dahil akala ng ilan ay simpleng rashes lamang ito pero dapat ang bawat isa ay mag ingat dahil masakit ito sa balat at mabilis itong makahawa sa mga batang dikit dikit laluna kapag naglalaro dahil walang klase ngayong summer.

Sinabi pa ni Bonifacio na kailangan din anyang mag ingat ang publiko sa water borne diseases na kalimitay mga bacteria sa swimming pool na walang chlorine dahil marami ang mahilig mag swimming pag summer at kung mataas naman ang chlorine sa pool ay masama din ito sa balat.

Hinikayat din nito ang publiko sa food borne diseases na kalimitay dumarami sa mga pagkain na naiinitan ng araw.Maaaring mag diarrhea anya ang mga taong maaapektuhan ng water at food borne diseases ngayong tag init.

Binilinan din nito ang publiko na iwasang maglagi sa labas na mataas ang init ang araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4ng hapon dahil sa posibleng heat stroke, exhaustion, skin diseases, hika, hypertension at iba pang sakit na nakukuha pag nasa labas ng tahanan ngayong sobrang init ng panahon.

Lagi anyang magdala ng inuming tubig, payong at maaliwalas na damit ang gagamitin kung lalabas ng bahay para makaiwas sa epekto ng summer season.

Sinabi pa ng health official na 24/7 naman anya ang lahat ng QC health centersa sa QC para tumugon sa health problems na mararamdaman ngayong summer. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here