Home NATIONWIDE Puganteng South Korean tiklo sa Cebu

Puganteng South Korean tiklo sa Cebu

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang puganteng South Korean na overstaying na sa Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Immigration, ang Koreano ay sangkot sa telecommunications fraud na kinilalang si Kang Hyeunok, 32, ay naaresto sa Mactan, Lapu-Lapu City noong Agosto 14.

Si Kang ay subject sa Interpol red notice matapos na ilabas ang arrest warrant laban sa kanya sa South Korea dahil sa pangunguna sa isang voice phishing syndicate na nag-ooperate mula pa 2017 at nakapambiktima na ng mahigit US$840,000.

Iniulat na nagpapanggap ang mga ito bilang banker at nahihikayat ang mga biktima na ibigay ang kanilang personal na impormasyon na gagamitin para makuha ang pera ng mga ito.

Nag-isyu na ang BI board of commissioners ng deportation warrant laban sa suspek noong Oktubre 2021 sa pagiging undesirable alien.

Nakita rin na overstaying na ito matapos dumating sa Pilipinas noong Hulyo 2019 at hindi na umalis.

Naka-detain na ito sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng deportation proceedings. RNT/JGC