Home METRO Pugot-ulo umalingasaw sa MisOr; 19-anyos na suspek sumuko

Pugot-ulo umalingasaw sa MisOr; 19-anyos na suspek sumuko

174
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ng mga awtoridad ang walang ulo na bangkay ng isang nawawalang lalaki sa Claveria, Misamis Orienta.

Sinabi ng pulisya na sumuko ang 19-anyos na suspek at umamin na siya ang pumatay sa 36-anyos na biktima, na tatlong linggong nawawala.

Itinuro din ng suspek kung saan niya inilibing ang biktima sa isang liblib na lugar matapos itong saksakin ng mamamatay, ngunit itinanggi niyang pinugutan niya ito ng ulo.

Ayon sa suspek, napatay niya ang biktima matapos silang magtalo sa inuman.

“Posibilidad na may alitan na sila dati pang mga panyayari, dahil itong biktima parang live-in [partner] niya kasi ang kapatid ng suspek at doon nakikita ng suspek ang sinasabing panggugulpi na ginagawa ng biktima sa kanyang kapatid,” ani Police Regional Office -10 tagapagsalita P/Major Joann Navarro.

Sinabi ng pulisya na sasampahan ng kasong murder ang suspek. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here