Home NATIONWIDE Pulis patay, traffic enforcer sugatan sa bangga

Pulis patay, traffic enforcer sugatan sa bangga

156
0

CEBU CITY- PATAY ang isang pulis matapos araruhin ng kotse habang sugatan ang traffic enforcer na nasagi nito ng kanyang motorsiklo, kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Carlo Tachado Bayato, 28, residente ng Barangay Cubacub, Mandaue City, habang ginagamot naman sa ospital ang sugatan na si Cesar Silva, 31, kasapi ng Cebu City Traffic Operations Management (Citom) .

Batay sa report ng Traffic Enforcement Unit (TEU) sa Cebu City Police Office (CCPO), bandang 4:38 AM ng maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Cuenco Ave. at J. Panis Street, sakop ng Barangay Kasambagan, Cebu.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Hyundai sub-compact sports utility vehicle (SUV) na si Luziane Marron Uy Ty, 22, residente ng Barangay Talamban, Cebu.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtatrapik si Silva sa nasabing lugar sa ginagawang fun-run ng bigla na lamang itong mabangga ni Bayato ng minamanehong Yamahan Nmax.

Dahil dito, bumulagta sa kalsada ang dalawa nang bigla na lamang sumulpot ang kotse ni Ty, at nasagasaan nito si Bayato.

Agad naman dinala sa ospital ang dalawa subalit idineklara na rin patay si Bayato ng umatending doktor sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Sumuko naman sa pulisya si Ty at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury and damage to pro­perty. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here