Home METRO Pulis tigok sa trailer truck

Pulis tigok sa trailer truck

SIBONGA, Cebu- PATAY ang isang pulis matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakaparadang trailer truck sa tabi ng kalsada nitong Martes, May 7, sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Patrolman John Anthony Esmail Quintao, 28 anyos, taga Siaton, Negros Oriental, at kasapi ng Regional Mobile Force Battalion-7 Camp Ceperino Genovia, Barangay Bahay, Sibonga.

Batay sa report ng Sibonga Municipal Police Station, bandang 11:00 PM ng maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Sitio Gahad Barangay Poblacion, ng nasabing bayan.

Ayon sa driver ng truck na si Tereso Sumbaquil Dela Rosa, nakaparada siya sa nasabing kalsada habang naka-hazard o signal light nagulat na lamang siya ng makarinig ng malakas na kalabog.

Hanggang sa nakita na lamang ang biktima na nakabulagta sa kalsada na naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay sanhi ng malakas na pagkakasalpok sa truck.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang insidente./Mary Anne Sapico