Home METRO Pulis tinaga sa mukha ng lasing na nagwala

Pulis tinaga sa mukha ng lasing na nagwala

167
0

ORMOC CITY, Philippines – Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang pulis matapos pagtatagain sa mukha ng lasig na nagwala makaraan pahupain ng una ang huli, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Personal na binisita ni PBGEN Jason Capoy, Regional Director ng Police Regional Office 8, sa Ormoc Doctors Hospital ang biktimang Pat Jan Learre F Adora, nakatalaga sa Ormoc City Police Office-Police Station 2, at binigyan ng pakilala ang katapangan na ipinakita sa sinumpaan nitong tungkulin.

Nakakulong naman sa naturang himpilan ng pulisya ang suspek na hindi pinangalanan at nasa hustong gulang residente ng Purok 6, Brgy. Juaton, Ormoc City.

Batay sa report, humingi ng tulong ang mga residente hinggil sa pag-aamok ng suspek hawak-hawak ang itak.

Pagdating sa lugar ng grupo nina Adora, napahupa nito ang suspek at kukunin na sana ang itak subalit tinaga siya nito sa mukha at kamay.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima habang mabilis na pinosasan ng mga kasamahan ng biktima ang suspek at ngayon ay nahaharap sa patung-patong na kaso.

 Maliban sa Medalya ng Sugatang Magiting sinagot na rin ng PRO-8 ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot kay Adora. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here