Home NATIONWIDE Pulu-pulong pag-ulan posible ngayong Biyernes, May 15

Pulu-pulong pag-ulan posible ngayong Biyernes, May 15

48
0

MANILA, Philippines — Walang direktang epekto sa bansa ang low-pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas, ngunit posible pa rin ang mga pulu-pulong pag-ulan at thunderstorms sa ilang lugar sa Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather bulletin nitong Huwebes ng hapon, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang LPA, na dating Tropical Storm Caloy, sa layong 895 kilometro silangan ng Southern Luzon.

Ayon kay weather specialist Charmagne Varilla, hindi inaasahang lalakas ang sama ng panahon at patuloy itong lalayo sa kalupaan ng bansa.

“Currently, we expect that the LPA would not develop and it would continuously move farther from the country’s landmass, and it will have no direct effect on whatever part of the country,” ani Varilla.

Dagdag pa niya, magpapatuloy ang localized thunderstorms sa ilang bahagi ng Luzon na maaaring magdulot ng panandaliang pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog kahit mananatiling mainit at maalinsangan ang panahon.

“Meanwhile, regarding weather conditions tomorrow, we can still expect that localized thunderstorms across Luzon would persist, which will cause isolated and short rain showers, lightning strikes, and thunder, even if it will remain hot and humid for the majority of the day,” dagdag niya.

Sinabi rin ng PAGASA na mananatiling mainit ang temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila na inaasahang makararanas ng 27°C hanggang 34°C. Mananatili namang banayad hanggang katamtaman ang kondisyon ng karagatan sa buong bansa, na may taas ng alon na mula 0.6 hanggang 1.5 metro, habang walang nakataas na gale warning.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here