MANILA, Philippines – Sumuko na sa awtoridad ang suspek sa pagpatay sa tatlong tao sa isang hotel sa Tagaytay City, Cavite.
Sumuko ang 31-anyos na suspek sa chariman ng Barangay Toong at sa mayor ng Tuy sa Batangas na si Jey Cerrado,
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagaytay City police ang suspek.
Sinabi ng pulisya na bago sumuko ang suspek ay alam na nila ang pagkakakilanlan nito matapos suriin ang kuha ng CCTV.
Tinitingnan ng pulisya ang paghihiganti bilang motibo ng suspek sa pagpatay sa tatlong katao, kabilang ang isang Australian sa loob ng isang hotel sa Tagaytay City noong nakaraang linggo.
Ito ay base na rin sa salaysay ng suspek, na nawalan ng trabaho noong Marso. Nasangkot umano siya sa napaulat na pagnanakaw sa isa sa mga kuwarto ng hotel.
Ang kaso ay itinuturing na sarado ng pulisya.
Mahaharap sa kasong robbery with multiple homicide ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag. RNT