Home METRO Pusa binuhusan ng kumukulong tubig; animal rights advocates pumalag

Pusa binuhusan ng kumukulong tubig; animal rights advocates pumalag

86
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ng hustisya ang mga animal rights advocates matapos magtamo ng matinding paso ang isang pusa na binuhusan umano ng mainit na tubig sa Talisay City, Negros Occidental.

Sapul sa kanang paa sa likod ng pusa at umano’y umabot hanggang buto ang pinsala, na nagresulta sa third-degree burns at hirap sa paggalaw ng hayop.

Ayon kay CJ Bertol na siyang nag-rescue sa pusa, kritikal ang kalagayan nito nang matagpuan.

“Third degree ang natamo niya. May medication sa healing. Ang kanyang tama, sa right side ng kanyang paa,” ani Bertol.

Kasalukuyang ginagamot ang pusa sa isang rescue center sa Bacolod City.

Gayunman, sinabi ni Bertol na mahirap matukoy ang salarin dahil walang nakakita sa insidente. “Wala kasing nakakita kung sino ang bumuhos,” aniya.

Ayon naman sa mga awtoridad, may kaukulang parusa sa ilalim ng Animal Welfare Act ang pagmamaltrato sa hayop. Ayon kay Dr. Janine Sortu, Assistant Veterinarian ng Bacolod City Veterinary Office, maaaring makulong at pagmultahin ang mga mapapatunayang responsable.

“The suspects or those who did this to the cats or the dogs, mayroon siyang imprisonment time at penalties kung ma-charge; if ma-confirm; P10,000 or six months in jail,” aniya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here