Home NATIONWIDE PUV fare hike, tatalakayin ng LTFRB

PUV fare hike, tatalakayin ng LTFRB

271
0

MANILA, Philippines – Magdaraos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nationwide public consultations simula Nobyembre 10 kaugnay ng mga petisyon para sa taas-pasahe ng mga public utility vehicles (PUVs), ayon sa utos ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, layunin ng konsultasyon na marinig ang lahat ng stakeholder, lalo na dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo at spare parts ng sasakyan.

Inutusan ang mga regional director na isumite ang resulta at rekomendasyon ng konsultasyon bago ang Nobyembre 4, habang ang final position ng LTFRB ay ipapasa sa Transportation Secretary bago ang Nobyembre 17.

Saklaw ng petisyon ang PU buses, jeepneys, taxis, at iba pang pampublikong sasakyan, bilang tugon sa backlog ng mga pending motions at petisyon. Binigyang-diin ni Mendoza ang mabilis na aksyon para tugunan ang hinaing ng publiko. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here