Home METRO PWD dedo sa sunog sa Laguna

PWD dedo sa sunog sa Laguna

2
0

SAN PEDRO CITY, Laguna — Isang 58-anyos na person with disability (PWD) ang nasawi habang anim na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang apat na bahay sa Barangay San Vicente dito noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang Ricky. Ayon sa mga arson investigator, na-trap siya sa loob ng kanyang bahay at hindi na nakalabas. Narekober ng mga bumbero ang kanyang bangkay dakong alas-10:30 ng umaga.

Nagsimula ang sunog bandang alas-7:34 ng umaga at idineklarang under control pagsapit ng alas-8:18 ng umaga.

Apat na bahay ang naabo sa insidente at anim na pamilya ang naapektuhan. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian.

Samantala, isa pang katao ang nasawi sa hiwalay na sunog sa Barangay Malamig, Binan City, Laguna bago magbukang-liwayway noong Miyerkules.

Nagsimula ang sunog dakong alas-2:56 ng madaling araw at idineklarang under control at fire out bandang alas-3:46 ng madaling araw. Narekober ang bangkay ng biktima habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga awtoridad.

Hindi pa rin matukoy ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang dulot ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here