Home NATIONWIDE QC district engineer nakatanggap ng milyones sa Discayas

QC district engineer nakatanggap ng milyones sa Discayas

251
0

MANILA, Philippines – Inamin ng kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya nitong Huwebes sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nagbigay ang kanyang kompanya ng “tens of millions” na tinawag na “tokens” kay Quezon City 2nd District Engineer Johnny Protesta Jr. kapalit ng mga flood control project.

Nang tanungin ni Sen. Risa Hontiveros kung umabot na ba sa daan-daang milyon ang halaga, tugon ni Discaya, “Wala pa naman po,” ngunit umamin siyang malamang nasa “tens of millions” na dahil hindi pa nila nakokolekta ang bahagi nila. Paliwanag niya, ang mga token ay katumbas ng 4%–5% kada proyekto at karaniwang ipinadadaan sa mga tauhan ni Protesta.

Ayon kay Discaya, madalas ay hindi na kailangan ng kumpirmasyon.

“Kadalasan pag nagkikita kami… nagkakaintindihan na kami. Wala nang follow-up. Pag hindi ka na napapahirapan o maayos ang susunod na kolekta, ibig sabihin okay na po iyon,” aniya.

Itinanggi rin niya na nagbigay siya ng pera kay NCR District Engineer Gerard Opulencia at QC 1st District Engineer Arturo Gonzales Jr.

Nauna na niyang sinabi na may ilang opisyal ng DPWH na humihingi ng 10%–25% mula sa proyekto bilang kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here