Home NATIONWIDE QC gov’t aayuda sa pamilya ng nasawing 3 menor sa sunog

QC gov’t aayuda sa pamilya ng nasawing 3 menor sa sunog

325
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pakikiramay ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa pamilya ng tatlong menor de edad na namatay sa sunog sa Barangay Sto. Domingo at inihayag na magbibigay ito ng tulong para sa burol at psychosocial support.

“Ang kanilang pagpanaw ay isang malalim na dalamhati hindi lamang ng kanilang mga mahal sa buhay kundi ng ating buong komunidad,” ayon sa lungsod.

Sasagutin ng gobyerno ang gastos sa burol at cremation at magbibigay ng psychosocial intervention sa pamilya. Magkakaloob din ng pinansiyal at disaster relief sa ibang biktima ng sunog, at maaaring irekomenda ang mga displaced families sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP).

“Patuloy nating ipaglalaban ang isang mas ligtas at mas handang komunidad laban sa sunog. Hindi natin kayang ibalik ang kanilang mga mahal sa buhay, ngunit kaya nating tiyaking hindi na maulit ang ganitong trahedya,” dagdag ng pahayag.

Ang tatlong biktima ay magkakapatid na may edad na 10, pito, at lima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here