MANILA, Philippines – Maayos at mabilis na nakaboto si Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Lunes, Mayo 2 sa Christ The King polling center sa E. Rodriguez, Quezon City.
Dakong alas-10 ng umaga ay mabilis na pumila si Belmonte para bumoto.
Ayon kay Mayor Belmonte, siya ay natutuwa dahil accurate at mabilis ang proseso ng kanyang pagboto dahil wala pang 30 minuto ay natapos agad ang kanyang pagboto.
Kaugnay nito, inamin din ng alkalde na bitter-sweet ang pakiramdam niya dahil ito na ang kanyang huling pagboto bilang Mayor ng Quezon City.
Samantala, nanawagan si Belmonte sa mga botante na lumabas at bumoto sa mga napupusuang kandidato ngayong halalan. Santi Celario