Home ENTERTAINMENT QCinema Film Festival, magsisimula na!

QCinema Film Festival, magsisimula na!

Manila, Philippines – Aarangkada na ang mas pinaigting na QCinema International Film Festival mula Nobyembre 17 hanggang 29 sa mga piling sinehan sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa festival director nitong si Ed Lejano, kakaiba ang lineup ngayong taon dahil sa tema nitong elevated to the max.

Sa festival na ito, eksklusibong mapapanood ang mga pelikulang nanalo sa A list film festivals at pati na ang mga kalahok sa kategoryang best international feature film sa Oscars sa susunod na taon.

Ayon naman sa Quezon City Film Foundation President na si Manet Dayrit, may mga idinagdag na section sa festival para mas masulit pa ang karanasan ng bawat Pinoy festival goer.

Ayon naman sa QCinema Executive Director at dating FDCP Chair Liza Dino Seguerra, may mga programa silang inihanda na tutugon sa mga pangangailangan ng filmmakers at maging producers tulad ng pagtatayo ng one-stop shop assistance sa mga ito at maengganyo silang mag-shoot sa tinaguriang film capital of the Philippines.

Sa sampung araw na festival, humigit-kumulang na 60 de kalibreng pelikula ang mapapanood, na hinati sa sampung dibisyon kasama na ang tatlong competition sections.

Sa main competition section na Asian Next Wave, tampok ang mga award winners mula Cannes, Venice at Udine at dalawang kalahok sa Oscars.

Ito ay ang Abang Adik ni Jin Ong, Gitling ni Jopy Arnaldo, Inside The Yellow Cocoon Shell ni Thien An Pham, Last Shadow At First Light ni Nicole Midori Woodford, Love Is A Gun ni Lee Hong-chi, Mimang ni Kim Tae-yang, Solids By The Seashore ni Patiparn Boontarig, at Tiger Stripes ni Amanda Nell Eu.

Ang Abang Adik ay nagwagi ng Golden Mulberry audience award, Black Dragon critics’ prize at best first feature sa Udine’s Far East Film Festival samantalang ang Inside The Yellow Cocoon Shell ay nanalo ng Caméra d’Or or Best Feature Film sa Cannes. Ang Love Is A Gun ang kauna-unahang Taiwanese film na nanalo ng best first feature sa Venice International Film Festival samantalang ang Tiger Stripes ay nag-uwi ng Critics’ Week Grand Prize sa 2023 Cannes Film Festival. Ang Gitling naman tinanghal na Best Screenplay winner sa nakaraang Cinemalaya.

Sa QCShort ay kalahok naman ang A Catholic School Girl ni Myra Angeline Soriaso, Abutan Man Tayo ng Houselights ni Apa Agbayani, Animal Lovers ni Aedrian Araojo, Microplastics ni Lino Balmes, Tamgohoy ni Roxlee, at Tumatawa, Umiiyak ni Che Tagyamon.

Sa bagong section na QCSEA, tampok ang sampung shorts mula Southeast Asia tulad ng Basri And Salma In A Never-Ending Comedy ni Khozy Rizal, Buoyant ni Toan Thanh Doan at Hoang-Phuc Nguyen-Le, Cross My Heart And Hope To Die ni Sam Manacsa, Dominion ni Bea Mariano, Hito ni Stephen Lopez, I Look Into The Mirror And Repeat Myself ni Giselle Lin, Kung nga-a Conscious ang mga Alien sang ila Skincare (The Thing About Aliens And Their Skin Care) nina Seth Andrew Blanca at Niño Maldecir, The Altar ni Moe Myat May Zarchi, at When You Left Me On That Boulevard ni Kayla Abuda Galang.

Sa Screen International naman ay tampok ang Locarno Golden Leopard winner na Critical Zone ni Ali Ahmadzadeh at Special Jury Prize winner Do Not Expect Too Much from the End of the World ni Radu Jude,Venice Grand Jury Prize at FIPRESCI Award winner Evil Does not Exist ni Ryusuke Hamaguchi,Cannes Jury Prize winner sa Palme d’Or na Fallen Leaves ni Aki Kaurismäki, Prize of the Ecumenical Jury na Perfect Days ni Wim Wenders,Cannes Best Director winner na The Taste of Things ni Trần Anh, Berlin Silver Bear Grand Jury Prize winner Afire ni Christian Petzold , All of Us Strangers ni Andrew Haigh at Sweet Dreams ni Ena Sendijarević.

Kasama naman sa New Horizons section ang City Of Wind ni Lkhagvadulam Purev-Ochir, Foremost By Night ni Victor Iriarte, Scrapper ni Charlotte Regan, Through The Night ni Delphine Girard, at Women From Rote Island ni Jeremias Nyangoen.

Sa Restored Classic naman ay mapapanood ang dalawang Wong Kar-wai classics na Chungking Express at Fallen Angels, Enter the Dragon ni Robert Clouse at A Clockwork Orange ni Stanley Kubrick.

Sa RainbowQC division, tampok ang Mutt ni Vuk Langulov-Klotz, Passages ni Ira Sachs, Peter Von Kant ni François Ozon, at Woman Of… nina Michał Englert at Małgorzata Szumowska.

Nagbabalik naman si Lav Diaz saSpecial Screenings section ng kanyang obrang Essential Truths of The Lake.

Ilan pa sa mga pelikulang ipalalabas ay ang Irreversible: Straight Cut ni Gaspar Noé, Karaoke ni Moshe Rosenthal, Only the River Flows ni Wei Shujun, Raging Grace ni Paris Zarcilla, Saltburn ni Emerald Fennell, Strange Way of Life at The Human Voice ni Pedro Almodóvar.

Tampok naman sa Before Midnight section ang Hungry Ghost Diner ni We Jun Cho, Femme nina Sam H. Freeman at Ng Choon Ping, River ni Junta Yamaguchi, at Red Rooms ni Pascal Plante.

Sa QCDox, tampok ang mga dokumentaryong Divine Factory ni Joseph Mangat, Nowhere Near ni Miko Revereza, at National Anarchist: Lino Brocka ni Khavn.

Ang mga pelikulang ito ay mapapanood sa mga piling sinehan sa Gateway Mall, Robinsons Magnolia, UP Town Center, Shangri-la Plaza, at Power Plant Mall.

Ang QCinema International Film Festival ay suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. Archie Liao