Home ENTERTAINMENT Quen, nag-back out sa Incognito?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Quen, nag-back out sa Incognito?December 5, 2024 14:091920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Things didn’t go as planned.Ito ang maaaring sabihin sa illan lang namang hitches o aberya na nakapaloob sa pagpaplano sa teleseryeng Incognito.Magkakaroon muna ito ng advance episodes na mapapanood sa Netflix.After which ay eere na ito sa ibang platforms ng ABS-CBN.Balitang a total of 128 episodes lang ang meron nito, mas maikli sa natapos nang serye nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.Maaabutan ng Holy Week ang pagsasahimpapawid nito maliban sa Good Friday, but the 128th or last episode will surely end on a Friday.Incognito’s cast includes Daniel Padilla, lan Veneracion, Baron Geisler and Richard Gutierrez atbp.Orginally, nasa cast din si Enrique Gil–ayon sa mga early press releases.Pero umatras ito, fueling speculations na may kinalaman kay Daniel.Totoo nga bang ayaw raw ni Quen na maging support ni Daniel to think na nagbida na nga naman siya?Nang isaliksik, ni isa mula sa produksyon ng telecerye ay tumangging magsabi kung ano ang dahilan sa likod ng pag-ayaw ni Quen.Because of the “unusual silence” nga’y lalong tumibay ang hinala that Enrique refused to play support to Daniel.Dahil dito, napilitang ipasok si Baron bilang replacement ni Quen.In-adjust nang bahagya ang role para maging swak ke Baron.Samantala, sa tatlong lugar nairaos ang madugong taping nito–sa El Nido, Palawan; sa Italy at sa Atok sa Benguet.Bahagi ito ng opening salvo ng Kapamilya channel para sa 2025. Ronnie Carrasco III