Home ENTERTAINMENT Quen, tinabangan nang magtrabaho!

Quen, tinabangan nang magtrabaho!

192
0

Manila, Philippines – Devastated.

Ito ang eksaktong salitang ginamit ni Ogie Diaz bilang paglalarawan sa kalagayan ngayon ni Enrique Gil.

But mind you, the actor’s current state has nothing to do with Liza Soberano, ang dati niyang nobya.

May kinalaman ito sa pagiging sobrang apektado ni Quen (his pet name) dahil ang kanyang solo movie na naging hudyat ng kanyang pagbabalik–ang | Am Not Big Bird–bombed at the tills.

Ito raw ang ikina-depress ni Quen nang sobra.

Asang-asa pa naman daw ang aktor na kahit wala na ang LizQuen tandem ay makabawi man lang siya sa nasabing pelikula.

Isa nga si Ogie sa mga nanghihinayang kay Quen lalo’t there was a time na hinawakan din niya ang career nito sa maikling panahon.

Dagdag pa ni Ogie, supposedly ay inialok pala kay Quen ang seryeng Incognito.

Pero iba na nga ang bumubuo ng cast nito.

Hindi nga lang sure si Ogie kung sino kina Richard Gutierrez, lan Veneracion at Daniel Padilla ang pumalit kay Quen.

But one thing’s for certain, nawala na raw ang drive ng aktor na magtrabaho.

Dasal ni Ogie, sana’y may mga proyektong dumating kay Quen at manumbalik ang sigla nito.

Matatandaang 2023 nang i-renew ni Quen ang kanyang kontrata sa ABS-CBN, only to quit?

Sayang. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here