Home NATIONWIDE Random drug testing sa Senado, hinimok ni Tito Sotto

Random drug testing sa Senado, hinimok ni Tito Sotto

217
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang random drug testing sa Senado kasunod ng mga ulat ng paggamit umano ng marijuana ng isang kawani ng Senado sa loob ng silid ng itaas na kamara.

Sinabi ni Sotto na sa kanyang panunungkulan bilang Senate President sa 18th Congress, nagpatupad siya ng random drug testing upang matiyak na drug-free ang Senado.

Nauna nang iniutos ni incumbent Senate President Francis “Chiz” Escudero ang imbestigasyon sa paggamit umano ng marijuana ng isang staff ni Senator Robin Padilla.

Ang tanggapan ni Padilla ay naglunsad din ng sarili nitong pagsisiyasat sa usapin, gaya ng isiniwalat ng kanyang chief of staff na si Atty. Rudolf Philip Jurado.

Ang Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ay nagsumite ng ulat sa insidente at ang kopya nito ay ibinigay sa tanggapan ni Padilla. Kinumpirma ni Jurado na natanggap nila ang ulat noong Huwebes, Agosto 14, at sinabing ang subject na empleyado ay inutusan na magsumite ng nakasulat na paliwanag sa loob ng limang araw.

Pinangalanan ang aktres na si Nadia Montenegro sa incident report ng OSAA, ngunit itinanggi umano niya ang paninigarilyo sa loob ng ladies’ room at paggamit ng marijuana. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here