MANILA, Philippines – Sinabi ng World Meteorological Organization (WMO) na nakaranas ang Pilipinas ng matinding epekto ng pagbabago ng klima noong 2024.
Ito’y kabilang ang pinakamataas na naitalang init at higit doble sa karaniwang dami ng bagyo mula Setyembre hanggang Nobyembre.
Enero–Pebrero: Malalakas na pag-ulan at landslide na kumitil ng 93 katao sa Mindanao.
Pebrero–Mayo: Matinding init, umabot sa 38.8°C sa NAIA — pinakamataas sa Metro Manila.
Hulyo–Oktubre: Pinakamalakas na bagyo sa rehiyon ay bumuhos ng 727.8 mm na ulan sa Batanes sa loob ng 24 oras.
Oktubre–Nobyembre: 12 bagyo ang tumama — doble sa karaniwan.
Higit 13 milyon ang naapektuhan, at 1.4 milyon ang nawalan ng tirahan.
Ayon sa mga eksperto at mambabatas, kailangan na ng agarang pandaigdigang aksyon, paglipat sa malinis na enerhiya, at mas matibay na climate adaptation.
Inaprubahan na rin ng Pilipinas ang National Adaptation Plan at nakakuha ng unang proyekto mula sa Green Climate Fund. RNT