MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE), lokal na pamahalaan, at distribution utility (DU), tulad ng Meralco, na alisin ang red tape at gawing mas simple ang requirements sa pagpapakabit ng solar rooftop.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na makatutulong ang solar rooftop upang mapababa ang singil sa kuryente, mabawasan ang bigat sa power grid sa mga panahon ng mataas na demand, at mairaos ang bansa mula sa labis na pagdepende sa mga imported na fossil fuel.
Gayunpaman, idiniin niya na hindi mararamdaman ng maraming Pilipino ang mga benepisyong ito kung hindi mapapabilis ang pagkuha ng permit, hindi maaayos at hindi standardized ang requirements, at mapapaikli ang proseso ng pag-apruba para sa solar installations.
“Ang problema sa solar rooftops ay red tape. Dapat bawasan ng DOE ang bilang ng mga hakbang at requirements na kailangang pagdaanan ng mga gustong magpakabit ng solar panels,” ani Gatchalian.
Idinagdag niya na ang mga nakababagot at kumplikadong pamamaraan ay patuloy na nagpapawalang-gana sa mga sambahayan, negosyo, paaralan, at mga tanggapan ng pamahalaan na lumipat sa solar energy.
Binanggit ng Senate President ang Pakistan bilang halimbawa kung paano mabilis na lumawak ang rooftop solar nang bigyan nila ang mga mamimili ng praktikal at abot-kayang paraan upang mabawasan ang gastos sa kuryente at mabawasan ang kanilang pagdepende sa hindi maaasahang power grid.
Dagdag pa niya, maaaring matuto ang Pilipinas sa ‘consumer-driven solar boom’ ng Pakistan lalo na kung aalisin ang mga hindi kinakailangang hadlang at gawing mas madali at aboy-kamay ang rooftop solar para sa mga bahay, negosyo, at mga pampublikong institusyon. Ernie Reyes