Home NATIONWIDE Red tide shellfish ban umiiral pa rin sa 2 lugar sa Eastern...

Red tide shellfish ban umiiral pa rin sa 2 lugar sa Eastern Visayas

188
0

MANILA, Philippines – Umiiral pa rin ang shellfish ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar at coastal waters ng Leyte, Leyte.

Ito ay matapos makumpirma sa pinakahuling laboratory tests ang presensya ng red tide toxins sa shellfish at water samples.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa saxitoxin, o toxin na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning, ang mga shellfish na nakolekta mula sa Matarinao Bay.

Sakop ng naturang baybayin ang mga coastal town ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo.

Bilang reslta, hindi ligtas sa pagkain ng mga tao ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes species, o alamang, mula sa naturang lugar.

Samantala, patuloy ang local red tide warning sa coastal waters ng Leyte, Leyte matapos din na magpositibo sa paralytic shellfish toxin ang shellfish meat samples na nakuha mula sa lugar.

Hinimok ng BFAR ang publiko na iwasan ang pagkuha, pagbebenta, o pagkain ng shellfish, alamang at hipon mula sa mga apektadong lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here