Home ENTERTAINMENT Regine, nagsalita na sa isyung hiwalay na sila ni Ogie!

Regine, nagsalita na sa isyung hiwalay na sila ni Ogie!

Manila, Philippines – Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang singer/composer/actor na si Ogie Alcasid sa It’s Showtime.

Kinanta ni Ogie ang bagong areglo ng kanyang mga hit songs noon na Nandito Ako, Kung Mawawala Ka, Ikaw Sana at Bakit Ngayon Ka Lang.

Habang nagpe-perform si Ogie ay nanonood ang kanyang mag-ina na sina Regine Velasquez at Nate sa audience.

Pagkatapos mag-perform ay nagpunta na sa stage sina Regine at Nate para batiin ito.

Wish ni Regine na maging successful ang lahat ng ginagawang proyekto ng husband para sa ibang artist.

“Honey, I`m very, very proud of you, and you know that I`m very proud and very proud of the work that you do. So congratulations, Mahal. I love you very much,” birthday greeting ni Regine.

Samantala, hindi naman pinalampas ni Regine ang pagkakataon na itama ang kumakalat na tsikang hiwalay na sila ni Ogie.

Pahayag ni Regine, “By the way, gusto ko lang semplakin yung nagsasabi na naghiwalay na daw kami.

“Hindi kasi, alam n`yo mga kaibigan, marriage is difficult, married is very difficult the way it is, pero yung may mga tao pa na who`s trying to make it even more difficult for us, di po yun maganda, parang ipinapanalangin n`yo na magkahiwalay kami, di po kami maghihiwalay ever coz we love each other.

“Our marriage is not perfect, it`s not that for me, it is. It`s not perfect, siyempre may mga issues (jokes), pero gusto ko lang sabihin na napakabait po ng asawa ko.

“So. please, kung mayroon kayong makita na anything na write-ups, `wag n`yong paniwalaan. Nakikita n`yo naman kami sa `ming mga social media, we are very close, he`s my best friend,” paglilinaw pa ng Songbird.

Lumabas ang tsikang hiwalay na sina Ogie at Regine sa isang Facebook page.

Ayon sa vlogger, ipinapaasikaso na raw ni Regine ang divorce nila dahil nahuli raw nito na may ibang babae ang asawa.

Nilinaw naman agad ito ni Ogie.

Aniya sa kanyang post sa Threads, “It is so sad that the owner would spread rumors about one marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation.”

Request ni Ogie sa kanyang mga followers na i-report ang vlogger na nagkakalat ng maling balita. Gerry Ocampo