Home NATIONWIDE Rehabilitasyon ng San Juanico Bridge pabibilisin ng DPWH

Rehabilitasyon ng San Juanico Bridge pabibilisin ng DPWH

265
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Eastern Visayas region na kukumpletuhin nito ang retrofitting work sa San Juanico Bridge pagsapit ng Disyembre 2025, o sa susunod na limang buwan para mapayagan ang pagdaan ng mga sasakyang may timbang na hanggang 15 tonelada.

Ayon kay DPWH regional director Edgar Tabacon, ang pinabilis na time frame ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang rehabilitasyon ng 2.16 kilometrong tulay na nagkokonekta sa Samar at Leyte at isang mahalagang economic at transportation link sa rehiyon.

Sa kasalukuyan ay tanging mga three-ton vehicles lamang ang pinapayagang makadaan sa tulay dahilan para maantala ang kalakalan at komersyo sa rehiyon.

“We will move heaven and earth just to complete the retrofitting at the San Juanico Bridge on or before December this year,” sinabi ni Tabacon sa isang pulong balitaan nitong Biyernes, Hulyo 11.

“No less than our President directed us to do so, and to increase the weight limit from the current 3 tons to 15 metric tons,” dagdag ni Tabacon.

Aniya, nagsimula na ang ahensya ng preparatory works, kabilang ang portal shoring — isang structural support system gamit ang steel frames at scaffolding — upang pansamantalang suportahan ang tulay habang isinasagawa ang konstruksyon.

Nagrenta rin ng mga barge ang DPWH mula Cebu para sa pagpapasilidad ng access at staging kasabay ng rehabilitation phase.

Sa kabila nito, ang aktwal na retrofitting work ay magsisimula lamang sa oras na ilabas na ang P520 milyon badyet ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Inatasan ng Pangulo ang DPWH at Department of Budget and Management (DBM) na agarang resolbahin ang funding requirements. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here