Home ENTERTAINMENT Reindeer outfit ni Diwata, binarag!

Reindeer outfit ni Diwata, binarag!

Manila, Philippines – Sa halip na umani ng mga papuri sa kanyang OOTD ay binarag pa ang itsura ni Diwata.

Sukat ba naman kasing ibinalandra ng viral pares owner ang kanyang “reindeer look.”

Makikitang proud pang flinex ni Diwata ang kanyang kulay berdeng strapless dress.

To achieve the reindeer look, nagsuot siya ng hat na may antlers.

Hindi pa sapat ‘yun dahil may I wear pa siya ng black boots.

At kung sisipatin ang aura niya, mukhang nahulog si Diwata mula sa sleigh dahil sad ang face niya.

Gayunpaman, nakuha pa niyang magtanong sa mga netizens.

“Ayos ba ang Christmas party outfit ko?” tanong niya na umaasa ng maayos ding sagot.

Hindi na nakapagpigil sa kamalditahan ang isang netizen.

Panonopla nito: “Bakit parang Halloween? Magpa-Pasko na po!”

Ayan kasi, magsusuot din lang ng party dress ay hindi pa nag-ayos.

Paanong naging reindeer look ‘yon, eh, sungay lang naman ng usa ang props niya?

Tapos, naka-green strapless dress at black boots pa…sino’ng hindi maookray nang bonggang-bongga?! Ronnie Carrasco III