Home NATIONWIDE Relasyon nina Unang Ginang Liza at Kris Aquino, maganda – Malakanyang

Relasyon nina Unang Ginang Liza at Kris Aquino, maganda – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Maganda ang relasyon sa pagitan nina Ginang Louise Araneta-Marcos at Queen of All Media Kris Aquino.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang hingan ng komento sa ibinahaging larawan nila ni Kris Aquino.

Nag-post kasi ang Unang Ginang ng photo nila ni Kris Aquino bilang unang salvo sa kanyang kaarawan.

Sa August 21 pa ang birthday ni FL Liza, pero ngayon pa lang ay may mga bumati na sa kanya, ang pamilya Aquino.

“Actually, I tried to ask the First Lady about that. Wala pa siya masi-share sa akin. Pero nakita naman natin kung ano iyong pahiwatig ng pagbisita ni Kris, ni Ms. Kris Aquino at ng kanyang mga anak, nagpapahiwatig ito na maganda ang kanilang relasyon,” ayon kay Castro.

At kung ano aniya ang pinag-usapan ng mga ito ay wala aniya siyang maibibigay.

“Wala po naibibigay sa akin at kung mayroon man ay baka hindi pa ako allowed sabihin ito. But definitely masaya naman sila, pero ‘pag naibigay sa atin ni First Lady, ang mga magaganda nilang naging usapan, ishe-share ko naman iyan sa inyo,” ang winika pa rin ni Castro.

Sa ulat, ang daming natuwa sa pinost na photo ni First Louise ‘Liza’ Araneta Marcos, misis ni Pangulong Bongbong Marcos, bilang unang salvo sa kanyang kaarawan.

Sa August 21 pa ang birthday ni FL Liza, pero ngayon pa lang ay may mga bumati na sa kanya, ang pamilya Aquino.

Yes, magkakasama nga sina Kris Aquino, Bimby Aquino, Joshua Aquino na binati si FL Liza.

“Thank you Kris, Josh & Bimby for the lovely advanced birthday cakes! Such at thoughtful surprise that truly warmed my heart.

“Feeling very blessed,” mensahe ni Unang Ginang Liza.

Ang bilis ng panahon, di ba?

Parang kailan lang, parang imposibleng pagsamahin sa isang larawan ang mga apelyidong Aquino at Marcos. Pero ngayon, ramdam mo na ang pagkakaibigan sa kanila.

At parang kailan lang, iba pa ang kahulugan ng August 21 sa mga Pinoy.

Anyway, sa larawan nga ay kitang-kita na mukhang close na close si Josh kay Unang Ginang Liza. Nakahawak si Josh sa balikat ni Unang Ginang Liza, at todo-todo ang ngiti nila.

“Look at Kuya Josh. That gesture made this picture even deeper and sincere. Mukhang familiar na talaga siya kay FLAM, meaning there is a friendship talaga beyond this pic.”

“Napakagandang tingnan ang larawan na ito, na parang naririnig mo si Kris na nagsasabi ng love, love, love.”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ng publiko na magkakasama sina Kris Aquino at Unang Ginang Liza. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here