Home ENTERTAINMENT Relasyong KimPau, gawa-gawa lang?

Relasyong KimPau, gawa-gawa lang?

Manila, Philippines – Sa makabagong henerasyon, tinatawag nang “shipper” ang isang fan na “nag-ilusyon” na may pag-iibigang namamagitan sa mga bet niyang artista.

To use a more decent term, sila ‘yung mga matchmaker.

Marami ang meron nito sa tandem nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nauuna pa nilang malaman ang romantic goings-on sa dalawa, to the point na pagdududahan mo kung may bahid ng katotohanan o pantasya lang nila.

Nabalita na nga na laging magkasama raw sina Kim at Paulo, this is as far as their shippers are concerned.

Pinagdududahan ito ng ilang netizens.

Ang latest na obyus na talagang ipinagpipilitang totoo ang KimPau romance, hatid-sundo raw ng aktor ang TV host sa trabaho nito sa It’s Showtime araw-araw.

Dito na nagduda ang ilang netizens.

Ibig daw bang sabihin ay maaga ring gumigising si Paulo para ihatid si Kim sa studio?

Mas kapani-paniwala pa raw ‘yung sinusundo ni Paulo si Kim araw-araw dahil hapon na nga naman natatapos ang show.

Obyus naman kasing obligadong angguluhan ng romantic peg ang tandem nila para paingayin ang kanilang teleserye together.

Keber kung imbento lang? Ronnie Carrasco III