Home ENTERTAINMENT Relasyong Kyline-Kobe, tinaningan ng 2 buwan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Relasyong Kyline-Kobe, tinaningan ng 2 buwan!July 24, 2024 12:581020 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ano ba naman ang pag-iisip ng ilang mga netizens?Hindi nga ba’t sila nga ‘yung nagsi-ship sa real-life romance sa pagitan nina Kyline Alcantara at Kobe Paras?Yet these are the same people na nag-iisip na kesyo hindi raw magtatagal ang kanilang relasyon.Bakit nila nasabi ‘yon, samantalang hindi pa naman sila umaamin na officially ay sila na nga?Ang pinagbasehan kasi ng mga ito ay ang mga halik na iginagawad ni Kobe kay Kyline without the latter complaining.May pahawak-hawak pa raw si Kobe sa bewang ni Kyline.Take note, all this ay nangyari in public.Therefore, hindi raw ba masasabing light display of affection ‘yon?The problem with their shippers, kebagu-bago pa lang ng relasyon ng dalawa’y naiimadyin na raw nilang hindi ito magtatagal.Kinunek pa nila ito sa tattoo shop ni Kobe na Nown ang business name.Payo nila kay Kyline, huwag na huwag daw itong magpapa-tattoo roon dahil magpapaalala lang daw ito ng kanilang relasyong ‘di naman tumagal.Dinaig pa nga ng mga shippers ang mga manghuhula sa pagsasabing pinakamatagal na raw ang dalawang buwan at break na sila!Talagang na-predict nila, ha!Of late ay sinabi ni Kobe na wala naman silang relasyon ni Kyline. Ronnie Carrasco III