MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi siya sumusuko sa kanyang aplikasyon para sa posisyon sa Ombudsman.
“I’m not giving up on my application,” sabi ni Remulla sa isang pahayag, kung saan nag-react siya sa isang online news report na na-disqualify daw siya ng Judicial and Bar Council.
Noong Hunyo, sinabi ni Remulla na isusumite niya ang kanyang aplikasyon para sa posisyon ng Ombudsman.
Si Ombudsman Samuel Martires ay nagretiro noong Hulyo 27, 2025, matapos ang kanyang 7 taong termino.
Hindi nagbigay ng detalye si Remulla kung ano ang plano niyang gawin sakaling italaga bilang susunod na Ombudsman.
“I think that I have a lot to offer,” sabi ni Remulla. RNT/MND