Home HOME BANNER STORY Rep. Benitez itinalaga ni PBBM bilang TESDA director-general

Rep. Benitez itinalaga ni PBBM bilang TESDA director-general

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Suharto Mangudadatu.

Bitbit ni Benitez, Kinatawan ng third congressional district ng Negros Occidental at Chairperson ng Committee on Housing and Urban Development sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang yaman ng kanyang karanasan sa edukasyon, development, at public service.

Ang kanyang malawak na academic background at commitment na mapanatili ang pag-unlad ang dahilan kaya siya ‘well-suited’ na pinuno ng TESDA.

Kaya nga, kumpiyansa ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa kakayahan ni Benitez na pangunahan ang TESDA tungo sa pagkamit ng nilalayon nito na gawing mahusay ang technical skills ng mga manggagawang Filipino, i-promote ang lifelong learning opportunities, at imaneho ang economic growth sa pamamagitan ng edukasyon at skills development.

Si Benitez, may doctorate sa Philosophy, ay kilala bilang tagapagsulong ng batas na nagpopromote sa development paradigms na nagbabalanse sa ‘social equity, economic growth, at ecological sustainability.’

Ang kanyang adbokasiya para sa ‘digital transformation, education reform, at technological innovation’ ay magiging mahalaga para ipiloto ang mga programa sa TESDA para ma-meet ang mga demands ng umuunlad na job market at ang Fourth Industrial Revolution.

Ipagpapatuloy naman nito ang ‘commitment’ ng administrasyon na panindigan ang pananaw ng TESDA bilang ‘key player’ sa nation-building sa pamamagitan ng pagbibigay ng high-quality education at pagsasanay sa mga manggagawang Filipino partikular na sa mga ‘most disadvantaged sector’ ng lipunan.

Samantala, ipinaabot naman ng Office of the President (OP) ang pasasalamat nito kay outgoing Director General Suharto Mangudadatu para sa kanyang dedikadong serbisyo at kontribusyon sa TESDA sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Inaasahan naman na kagyat na uupo si Benitez sa bago niyang papel at ibabalangkas ang kanyang strategic priorities para sa TESDA sa mga darating na linggo.