MANILA, Philippines – Tapos na ring magsumite ng Certificate of Candidacy (COC) si Las Piñas City Rep. Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay.
Mula noong unang araw, pumalo na sa 53 aspirante sa pagka-senador ang nakapagpasa na ng kanilang COC.
Dalawang partylist naman ang nagpasa ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) na kinabibilangan ng Pinuno partylist at Gabriela partylist sa pangunguna ni Sarah Elago.
Sa kabuuan, nasa 37 partylist group ma ang nakapagpasa na rin ng kanilang CON-CAN kung saan inaasahan na mas marami pa ang magtutungo dito sa Manila Hotel Tent City para magpasa ng kanilang sertipikasyon.
Kaninang umaga, naunang naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination ang Makabayan bloc. Jocelyn Tabangcura-Domenden