MANILA, Philippines -Magsisimula ang pagkukumpuni ng mga kalsada sa kahabaan ng C5 bago ang tag-ulan ngayong taon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Secretary Vince Dizon na layunin ng mga road works na ito na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar.
Ayon kay Dizon, parang EDSA lang ang C5 kung saan dumadaan ang mga truck kaya marami na ang sira-sirang parte nito.
Dahilan din aniya ng malaking trapik dahil sa lubak-lubak na kalsada kaya bumabagal ang mga sasakyan.
Bukod sa nakaplanong pagkukumpuni sa C5, kasalukuyan ding isinasagawa ang mga pagkukumpuni sa EDSA na tatagal ng hanggang walong buwan.
Dagdag pa ni Dizon, ang Phase 1 ng pagkukumpuni ay mula Roxas Boulevard hanggang Orense sa Makati. Jocelyn Tabangcura-Domenden